OPM Pinoy Song Lyrics
Kabet
Author: admin, Category: Gagong Rapper
Kabet
Gagong Rapper
Kay sakit naman isipin na
Sa puso mo ako’y pangalawa
Sa tuwing makikita kitang kasama siya
Pinipikit ko ang aking mga mata
At sa gabing kasama mo siya
Halos hindi ako makahinga (ugh ugh)
Kayakap ko ang bote ng tequila
Nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa
Naghihintay hanggang sumapit ang umaga
Nang muli kang makasama
Ano ating lagay, hindi mapalagay
Ako’y nasasaktan ‘pag hawak mo kanyang kamay
Sa kanya ka sa tanghali, akin ka sa gabi
‘Pag dilat sa umaga, yo, wala ka na sa tabi
Merong kahati, gusto kita na mapasa’kin
Kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin
At lagi mong iisipin, kung hindi ka para sa ‘kin
Huwag mo lang kakalimutin na ika’y mahal pa rin
CHORUS
Sa puso ko’y nag-iisa
Kahit mayroong iba
Kahit hindi tama ang ginagawa, sinta
Basta ba’y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya
At huwag nang mangamba
Kahit sabihin na kalimutan ka
‘Di ko ‘to makakaya
Basta ba’y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya
It really hurts ang magmahal nang ganito
Kung sino pang pinili ko, hindi makuha nang buo
Hanggang gano’n na lang nga, kailangan ko ‘tong tanggapin
Na sa puso mo, mayro’n na ngang ibang umaangkin
At alam ko na rin na mayro’n nang nagmamay-ari
Sa pag-ibig sa iyo, ako itong nakikihati
At ano man ang mangyari, ‘di ko kayang manumpa
At kahit pa ilihim mo ako sa lahat
Gaano man kabigat sa puso ko itong aminin
Hindi dadaing, huwag ka lang mawalay sa ‘kin
Masakit man ang isipin na ako ang nanghiram
Kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam
At kahit hindi ‘to tama, ako ay sumugal
Kahit na nga alam kong mayro’n kang ibang mahal
Binigay ko ang lahat kahit gan’to ang natamo
Sa pag-ibig ng iba, ngayon ako’y nakikisalo
[Repeat CHORUS]
Sa sitwasyon nating na ‘to, ‘di ko alam kung sa’n tutungo
Alam ko mahirap at mali pero mahirap din isuko
Pa’no ko masusuot singsing sa ‘yo na dala
Kung sa paglalagyan nito, mayroon na palang nauna
No’ng nakilala mo ako, ‘di ko binalak manggulo
Gusto ko lang mapatunayan na ika’y mahal ko
‘Yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit
Kahit ang tawag lang sa akin ay ‘di hamak na kabit
Oo nga, ika’y sa akin at ako’y sa iyo
At ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo
‘Yan ay aking tinanggap para makasama ka lang
Pero sana huwag sabihin na “nakasama ka lang”
Pero sana rin, huwag tayong dumating pa diyan
Titisin ko ang lahat, kid, basta huwag lang ‘yan
Kahit na alam ko mahirap ‘tong tanggapin
Na mas nauna siya sa ‘yo kesa sa ‘kin, huh
[Repeat CHORUS]
13 Responses
Aikee
19|Apr|2007haha.. grabeh! 1ng q 2ng narinig 2.. weird! pro nagandahan aq.. xe bagay samen ng bf q toh.. haha! pero dati yun haha… la lang! astig ung nagsulat netto akma… haha!
Ron
14|May|2007check out these sites…
http://www.ronreyes.co.nr
http://www.getmusic.co.nr
Thanks!
mary jean
29|Jul|2007ang ganda ng song n yn,,,,,andaming nkkrlate!!!! hanep kz ung message nian eh…..saludo aq s wrter,,,,,hindi nkksawang pkinggan
che che
15|Oct|2007wow…love this song yah…paulit2 ko 2ng tinutog2…related to sa bf ko dati..toinks..
jason marie
19|Oct|2007ang ganda ng song na yun!!!nung una hndi ko alam yung title pro, knalaunan nalaman ko rin!!!congratz sa writer at singer!!!you both did a great and splendid job!!!congratz guyz!!!
katrina
01|Nov|2007*** i love this song… shet nakakakilig waaaa and ung may mga friendster d2 add me katrina_sayson15@yc thnx love u gagung rappEr..
-katherese-
10|Dec|2007nice song!
bEl
12|Dec|2007this song was nice and i think bagay yang song na yan for me!!!
junna
28|Jan|2008_ang ganda ng song…..nah,ganahan jud koh anih bah… mka relate kau koh bah…..heheheheh….. char kau bai….
gabriella montez
23|Feb|2008itong kantang kabet ay lagi ko pinapatugtog at gusto itong kantang to
kc capio
21|Aug|2008ganda ng song..hanep ung message!!nice one..more songs pa huh.
kc capio
21|Aug|2008ganda ng song..hanep ung message!!nice one..more songs pa huh.godblesz sa inyo gagung rappers!
♥sArAh♥
22|Nov|2008nIce s0ng!!
akmang akma ung mga lyrics!!
may sense pa!!
d ktulad nung ibang songs..
alang kwenta..
basta may makanta lng!!
:]:]:]:]:]:]
Leave a reply
search
Categories
More Link Ads
Other Stories
Archives
Friends
© 2008 Performancing's Story Theme. Designed by Design Disease. Powered by WordPress