Halina at sumama
sa programa na pang -masa
hindi kailangang magaling ka
basta’t bibo’t bongga ka
wala naman kayong alam
(ginagawa kayong tanga)
laging sinusubaybayan

Pumila ng maaga
pumorma ng magara-ha!
malay mo madiscover ka!

Hininintay nila kayo
(ang dami n’yong uto-uto)
itapon na ang utak n’yo

[chorus]
Sali na, dalhin na ang barkada
umuulan dito ng pera
sali na, pati ang pamilya
sa happy-sappy magic plastic
ihaw-ihaw all-time
noontime show

Sumasayaw, umaawit
sila kahit na pangi
walang duda benta sila
dahil guwapo at maganda
hindi naman kayo tanga
(ang dami pa namang iba)
gustong-gusto n’yo pa sila

[bridge]
Sa libu-libong nakatunganga
kami lang ang inyong pag-asa
tumutok na bawat tanghali
wag an wag na kayong babawi
sunod ka na lang sa uso
e ano kung hindi bagay sa’yo
sambahin ang mga artista
sundan ang bawat kilos nila

gasgasin ang mga lumang plaka
hanggang dito na lang ang masa
ganito dapat pumorma
para magmukhang artista

Ganito dapat ang kulay
para umunlad ang buhay
ganito dapat ang banda
pagkanta may epal na artista
hanggang dito na lang ba ang masa?
(hanggang dito na lang ang masa)

[chorus]
Sali na, dalhin na ang barkada
umuulan dito ng pera
sali na, pati ang pamilya
sa happy-sappy magic plastic
ihaw-ihaw all-time
noontime show

Incoming search terms:

  • lumang kanta tagalog lyrics
  • awit ng pamilya
  • awit para sa pamilya