Binibini, sa aking pagtulog
ika’y panaginip ko
panaginip ng kathang dakila
nitong pag-iisip ko
ang katulad mo raw ay birhen
sa abang altar ng purong pag-ibig
o kay ganda, o kay gandang
mag-alay sa ‘yo …
Alaala, pag-isip at pagod
sa ‘yo’y binigay ko raw
binibini ang aking dalangi’t dasal
dininig mo raw
wika mo raw, iingatan ko
magpakailan man ang purong pag-ibig
o kay ganda, o kay gandang
mag-alay sa ‘yo …
[refrain]
Sa ‘king tanaw
magkatotoo kaya
sagot mo, para nang sinadya …
Pagsapit ng magandang umaga
ako’y bumalikwas din
panaginip, naglaho, natunaw
ngunit nar’yan ka pa rin
paraluman ikaw ay akin
sa bisang lakas ng purong pag-ibig
o kay ganda, o kay gandang
mag-alay sa ‘yo …
O kay ganda, o kay gandang
Mag-alay sa ‘yo …
No related posts.
2 Responses
joy
23|Mar|2006 1nice song!
sassa
29|Jul|2006 2astig……
Leave a reply