Isama Mo Ako Lyrics

Sa puso’t isipan,
Nadaramang ikaw ang tanging pangarap ko
Maging sa panaginip ay palaging naiisip
Kailan kaya damdamin ko’y mababatid

Ang nais ko’y liparin
Ang kalawakan na sadya’t iyong pinagmulan
Baka sakali na mapansin mo saglit man lamang
At ng malaman mo itong pagmamahal

Isama mo ako sa daigdig mo na kay ganda
Nang di lang sa panaginip ay kapiling ka
Kung makikita mo nilalaman ng puso ko
Isang pagmamahal sadyang para lang sa’yo

At kung kailangan mo ng isang tunay na kaibigan
Para sa’yo ang puso ko ay laging bubuksan
Pag-ibig na nadarama’y hanggang sa kailanman
Tanging sa’yo ito’y aking ilalaan

Isama mo ako sa daigdig mo na kay ganda
Nang di lang sa panaginip ay kapiling ka
Kung makikita mo nilalaman ng puso ko
Isang pagmamahal sadyang para lang sa’yoZ